4.6.15
Hellerskie,
Today’s blog post was inspired by the Easter lunch me and
family attended yesterday. We attend Filipino Community of Colorado event
often. I’ve talked to some Pinay’s and one thing in common is that they have
lots of questions and confusions what to do in life abroad.
I can only share what I’ve experience and all opinions
are my own.
1.
You need to embrace each other’s food
preference. Kung gusto nya ng hamburger araw araw para pagkain, at ikaw gusto
mo bawat meal mo may kainin. Go! Mag saing ka ng kanin at mag grill ka ng
burger. Minsan iisipin nya bakit may kanin lagi? Ikaw minsan iiisipin mo bakit
lagi hamburger. Iba ang iba ang panlasa at iba iba ang hilig. Minsan kapag nais
ng mister ko, hamburger, ginagawa kong burger steak mala Jolibee haha
2.
You need to explain to him why you support
your family back in the Philipines. Good thing, my husband understands this
part but not all of it. Philippine culture tend to depend a lot for those who
are in “abroad” “ofw” Pero minsan di malaman ng mga Pinoy na ang buhay sa
abroad ay normal lang. Trabaho, Linis bahay, Alaga ng mga sanggol at laba
damit. Mas maluwag pa nga ang pamumuhay sa pilipinas kasi may mga “yaya” na
pwede hire at gawin ang mga trabahong pambahay. Sa pag papadala ng pera minsan
nakakaloka na manood ng tfc or gma kasi ang mga commercial nila ay puro remittance
to the Philippines. Ito ang malaking gap ng mga Amerikano at mga Pilipino.
3.
Fish sauce is like soysauce. Most Filipino
food add fish sauce for taste. Even if most American hates the smell of fish
sauce. Parang may namatay na isda kapag nagbukas ka bote ng fish sauce haha. Or
mas mahirap magluto ng tuyo/daing or kahit anong dried fish. Kasi kailangan mo
buksan lahat ng air vents at bintana para di mangamoy bahay mo hehe
4.
Filipino time is not on time. Most American’s
are on time especially when comes to event. Most Filipinos are not on time,
late lagi. Parang di mamalayan ang oras. Minsan nakakainis kapag pumunta ka sa
event at mostly Filipino ang imbitado, siguraduhin na late na for sure. So minsan
dapat 30 minutes advance ang oras na palugid para dadating sila on time. Matuto ka magdrive kapag nasa ibang bansa ka, walang mrt na diretso at walang jeep at bus na makikipagsapalaran sa iyo. drive ka or bus ka lagi.
5.
Balikbayan boxes are boxes of gold. Most
Filipinos love to receive free things, especially balikbayan boxes. Little they
know the effort/time/money you spend just to send things. Ito ang isang dahilan
na lagi ko naririnig, bakit lagi na lang nagpapadala ng balikbayan box? Wala bang
ganon sa pilipinas? Or mga pabili pabili? Minsan may mga tao na nagpapabili
kala mo kay padalang pera, pabili ng pabili wala naman ambag. Haha (tamaan na
magalit)
6.
Spending time with your other half’s family.
Kailangan may oras ka sa pamilya ng asawa mo,kahit pagod ka sa trabaho or kahit
may plans ka sa weekend. Pakikisama sa mga biyenan at mga kapmilya nya. Minsan
nakakaloka magplano ng oras kasi minsan di mo alam na ubos na oras para sa
sarili mo o sa sarili mong pamilya.
7.
Life is not about material things. There are
so many stuff you can buy with your precious credit card here in the US.
Sometimes you intend to buy things you don’t need. Ito ang gusto ko parating sa
mga Filipino na ang credit card ay hindi plastic na may magbabayad ng gastos
mo, ikaw ang magbabayad ng gastos mo. Nakaswerte lang ako kasi ang budget naming
ay mahigpit. Di kami nagtitipid sa pagkain, organic ang kadalasan naming binibili
pero ang mga luho kapag di kailangan, di na dapat bilhin. Don’t get me wrong
once in a while, maganda magtreat sa sarili para Makita pinagpaguran sa dami ng
trabaho. Pero hinay hinay lang sa gastos.
8.
Tissue/Toilet paper is their “tabo”. Yan ang
kadalasan shocker sa mga pinoy. Walang tabo sa banyo. Sa bahay naming meron
pero di lahat ng Filipino house ay may tabo. Ginagamit ang mga tao dito ay
toilet paper. At oo, ilalagay mo sa toilet ang toilet paper at di sa basura. I
fluflush mo ito. Haha nakakatawa man isipin pero yan ang paraan nila sa pag
banyo. Hindi CR ang tawag sa banyo. Slang lang sa pinas ang CR.
9.
Not enough holidays. USA holiday is very
stick. They have dates you can be off at work and days that you get jealous coz
you can’t take day offs. Di gaya sa pinas, maulan lang, wala na agad pasok. Or
sandamukal na mga holiday at leaves. Dito kayod marino ang buhay. Maiinggit ka
nalang sa buhay kapag dami ng off sa trabaho.
10. Last but
not the least. Dollars are not equal to one million pesos. Most Filipinos think
if youre earning at least $60k a year, you’re rich, you can send money home all
the time. That is true. Filipinos abroad have bills to pay, insurance to pay, mortgage
to pay etc etc. Hindi bangko ang mga “ofw”. Wag ka umasta na may patago kang
pera sa mga kamag anak mo sa abroad. Magtrabaho at magsumikap. Bow!
Madami pa ako shashare pero sa susunod na lang na blog
post. Ito muna ang top ten na naisip ko now. Sana mashare ito sa mga Filipino sa
buong pilipinas na may mga kamag anak sa abroad or sa mga kaibigan or kapamilya
na iba ang pananaw kapag sa US ka or sa ibang bansa.
Cheers!
Pinay in Colorado.
-maryiangge
for high res photos visit my flickr site --- https://www.flickr.com/photos/mariesanchez
follow me on instagram -- maryiangge
follow me on twitter --- https://twitter.com/mariepsanchez
live life and enjoy!
cheers!
/m\
follow me on instagram -- maryiangge
follow me on twitter --- https://twitter.com/mariepsanchez
live life and enjoy!
cheers!
/m\