Shopping!!!!!

Monday, April 6, 2015

Buhay Amerika! Filipino vs Amerikano!



4.6.15



Hellerskie,



Today’s blog post was inspired by the Easter lunch me and family attended yesterday. We attend Filipino Community of Colorado event often. I’ve talked to some Pinay’s and one thing in common is that they have lots of questions and confusions what to do in life abroad.



I can only share what I’ve experience and all opinions are my own.


1.    You need to embrace each other’s food preference. Kung gusto nya ng hamburger araw araw para pagkain, at ikaw gusto mo bawat meal mo may kainin. Go! Mag saing ka ng kanin at mag grill ka ng burger. Minsan iisipin nya bakit may kanin lagi? Ikaw minsan iiisipin mo bakit lagi hamburger. Iba ang iba ang panlasa at iba iba ang hilig. Minsan kapag nais ng mister ko, hamburger, ginagawa kong burger steak mala Jolibee haha



2.    You need to explain to him why you support your family back in the Philipines. Good thing, my husband understands this part but not all of it. Philippine culture tend to depend a lot for those who are in “abroad” “ofw” Pero minsan di malaman ng mga Pinoy na ang buhay sa abroad ay normal lang. Trabaho, Linis bahay, Alaga ng mga sanggol at laba damit. Mas maluwag pa nga ang pamumuhay sa pilipinas kasi may mga “yaya” na pwede hire at gawin ang mga trabahong pambahay. Sa pag papadala ng pera minsan nakakaloka na manood ng tfc or gma kasi ang mga commercial nila ay puro remittance to the Philippines. Ito ang malaking gap ng mga Amerikano at mga Pilipino.



3.    Fish sauce is like soysauce. Most Filipino food add fish sauce for taste. Even if most American hates the smell of fish sauce. Parang may namatay na isda kapag nagbukas ka bote ng fish sauce haha. Or mas mahirap magluto ng tuyo/daing or kahit anong dried fish. Kasi kailangan mo buksan lahat ng air vents at bintana para di mangamoy bahay mo hehe



4.    Filipino time is not on time. Most American’s are on time especially when comes to event. Most Filipinos are not on time, late lagi. Parang di mamalayan ang oras. Minsan nakakainis kapag pumunta ka sa event at mostly Filipino ang imbitado, siguraduhin na late na for sure. So minsan dapat 30 minutes advance ang oras na palugid para dadating sila on time. Matuto ka magdrive kapag nasa ibang bansa ka, walang mrt na diretso at walang jeep at bus na makikipagsapalaran sa iyo. drive ka or bus ka lagi.





5.    Balikbayan boxes are boxes of gold. Most Filipinos love to receive free things, especially balikbayan boxes. Little they know the effort/time/money you spend just to send things. Ito ang isang dahilan na lagi ko naririnig, bakit lagi na lang nagpapadala ng balikbayan box? Wala bang ganon sa pilipinas? Or mga pabili pabili? Minsan may mga tao na nagpapabili kala mo kay padalang pera, pabili ng pabili wala naman ambag. Haha (tamaan na magalit)



6.    Spending time with your other half’s family. Kailangan may oras ka sa pamilya ng asawa mo,kahit pagod ka sa trabaho or kahit may plans ka sa weekend. Pakikisama sa mga biyenan at mga kapmilya nya. Minsan nakakaloka magplano ng oras kasi minsan di mo alam na ubos na oras para sa sarili mo o sa sarili mong pamilya.



7.    Life is not about material things. There are so many stuff you can buy with your precious credit card here in the US. Sometimes you intend to buy things you don’t need. Ito ang gusto ko parating sa mga Filipino na ang credit card ay hindi plastic na may magbabayad ng gastos mo, ikaw ang magbabayad ng gastos mo. Nakaswerte lang ako kasi ang budget naming ay mahigpit. Di kami nagtitipid sa pagkain, organic ang kadalasan naming binibili pero ang mga luho kapag di kailangan, di na dapat bilhin. Don’t get me wrong once in a while, maganda magtreat sa sarili para Makita pinagpaguran sa dami ng trabaho. Pero hinay hinay lang sa gastos.



8.    Tissue/Toilet paper is their “tabo”. Yan ang kadalasan shocker sa mga pinoy. Walang tabo sa banyo. Sa bahay naming meron pero di lahat ng Filipino house ay may tabo. Ginagamit ang mga tao dito ay toilet paper. At oo, ilalagay mo sa toilet ang toilet paper at di sa basura. I fluflush mo ito. Haha nakakatawa man isipin pero yan ang paraan nila sa pag banyo. Hindi CR ang tawag sa banyo. Slang lang sa pinas ang CR.



9.    Not enough holidays. USA holiday is very stick. They have dates you can be off at work and days that you get jealous coz you can’t take day offs. Di gaya sa pinas, maulan lang, wala na agad pasok. Or sandamukal na mga holiday at leaves. Dito kayod marino ang buhay. Maiinggit ka nalang sa buhay kapag dami ng off sa trabaho.



10.  Last but not the least. Dollars are not equal to one million pesos. Most Filipinos think if youre earning at least $60k a year, you’re rich, you can send money home all the time. That is true. Filipinos abroad have bills to pay, insurance to pay, mortgage to pay etc etc. Hindi bangko ang mga “ofw”. Wag ka umasta na may patago kang pera sa mga kamag anak mo sa abroad. Magtrabaho at magsumikap. Bow!



Madami pa ako shashare pero sa susunod na lang na blog post. Ito muna ang top ten na naisip ko now. Sana mashare ito sa mga Filipino sa buong pilipinas na may mga kamag anak sa abroad or sa mga kaibigan or kapamilya na iba ang pananaw kapag sa US ka or sa ibang bansa.



Cheers!

Pinay in Colorado.

-maryiangge



for high res photos visit my flickr site --- https://www.flickr.com/photos/mariesanchez
follow me on instagram -- maryiangge 
follow me on twitter --- https://twitter.com/mariepsanchez 


live life and enjoy!
cheers!
/m\  



No comments:

Post a Comment